• One word and everything could have gone different

    by  • December 27, 2017 • * Safe for Work *, Closure • 0 Comments

    Magtatatlong taon na, tatlong taon nang huli kitang makita.. Huling makausap at mahawakan. Alam kong mali, pero bakit hindi kita makalimutan? Hindi ko alam kung bakit.. Paulit ulit kong iniisip bakit, bakit nga ba kita iniwan? O ako nga ba ang nang iwan? O ikaw.. Dahil parang sinuko mo rin naman ako. Sa tatlong taon, sinisisi ko sarili ko kung bakit nawala ka. Kasalan ko, kasalanan ko.. pero pag binabalikan ko, wala akong maalala na pinaglaban mo ko, mawawala na ko sayo pero nagsalita ka man lang ba? Kahit papano ba sinabi mo na, Mahal, wag.. mahal kita.. patuloy akong nasasaktan kahit di na dapat.. sa tatlong taon sarili ko ang sinisi ko kung bakit wala ng “tayo” pero hindi pala.. hindi lang ako.. dahil kahit minsan hindi mo ko pinaglaban.. Nhng panahon na magulo ang isip ko.. nasan ka? Hindi ka magttxt pag hindi ka tinext.. ako pa ang hahanap para makita ka. Hinayaan mo din pala ako na sumabak sa gyera mag isa, kaya mali pa.. mali pala na sisihin ko sarili ko na nawala ka.. Dahil kahit alam kong mahal mo ko, hindi mo naman sinabi.. Hindi mo man lang pinigilan na tuluyan akong mawala sayo.. Pinabayaan mo na lang ako.. Hindi mo lang alam na sa tatlong taon walang gabi na hindi kita naisip kahit mali..Ngayon.. okay na siguro.. Masya ka sa iba at ako din.. Nakakapanghinayang lang, dahil alam ko wala akong pinahalagahan higit sayo..Minahal kita ng sobra, pero isang salita lang.. hindi mo nasabi.. sa isang sabi mo lang na wag mo kong iwan titiklop ako at babalik sayo pero hindi.. Pinabayaan mo ko..

    Leave a Reply