• Thank you for the 3 years

    by  • April 30, 2017 • * Safe for Work *, Depression • 0 Comments

    Hi bhey…

    Alam ko naman never mo to mababasa pero okay lang mas maganda na yon. 3 years kitang hinihintay at sa 3 years na yon sobrang meron isang taon na gulo at dalawang taon na masaya. Nag tataka ka siguro noon kung bakit ako tumigil mag hintay ang sinabi ko lang dahil magiging busy na ako. Well, hindi talaga dahil doon. Hindi din na nakahanap ako ng iba or nagsawa na ako sayo. Tumigil ako kasi wala ng natira para sa sarili ko. Alam ko naman sa sarili ko na binigay ko lahat at ayon binigay ko nga talaga lahat, wala ng natira para saakin.

    Ayoko lang talaga sabihin sayo na napabayaan ko na pag aaral ko. Hanggang ngayon nagdudusa ako kasi medyo marami akong nabagsak na subject sa nga time na yon. Hindi na ako kumakain ng lunch para makapag ipon at para may pang laro ako pag hinihintay kita. Ayokong sabihin yon sayo kasi baka sisihin mo lang sarili mo. Choice ko lahat yon at masaya ako sa mga choice kong yon. Tanga ko no? Hahaha

    Pero eto talaga pinaka main reason bakit ako nag stop. Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Meron girl sa school na crush ko at na aakit na ako, napapalapit sakanya hanggang sa nagging close kami. Pero agad ko naman na-realize na hindi tama yon (Walang nangyari saamin talagang close lang kami.) So ayun sinabi ko sa sarili ko “Parang niloloko ko nalang si beah” hanggang sa ma depress ako ng ma depress dahil sa ginawa ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi kita deserve. Na meron ibang lalake dyan na mas loyal kesa saakin. Pero seryoso hindi ako nakipag date, holding hands, kiss, or nag bigay ng regalo sa crush ko. Siguro walang kwenta tong mga reason ko pero big deal talaga saakin yon. Wala pa tayong maayos na closure non kase sa text ko lang sinabi yung dinahilan ko sayo. Ayaw mo na din makipag usap ng personal.

    So ayon after 2 years? or almost 2 years, nakita na ulit kita. Hindi ka parin nagbabago. Maganda ka parin. Sobrang ganda mo parin. Pumunta ako sa graduation celebration mo kahit pilit na pilit lang ang pag punta ko. “Congratulations” yun lang nasabi ko sayo kahit nung umalis na ako hindi na ako nagpaalam sayo. Habang andoon ako sa celebration mo talagang naka yuko lang ako wala na akong mukhang maihaharap sayo, sa mga kaibigan mo nung highschool at college at sa parents mo kahit hindi naman ako nag eexist sakanila. Hindi na ako nagpaalam kase kasama mo na yung bago mo. Nakita ko masaya ka na parang pinakilala mo na din yata siya sa parents mo. That time natulala nalang ako bigla nalang pumasok sa isip ko “Kung hindi ako tumigil edi sana ako siguro yung pinapakilala mo ngayon”

    Eto ako ngayon nagluluksa. Parang binabagsakan ng espada na galling sa langit para hindi na ako makatayo (O.A siguro pero ganyan nararamdaman ko ngayon) At ikaw tuluyan na nakapag move on. Sobra akong nahirapan sa desisyon ko mag stop sa paghihintay sayo at alam ko naman nasaktan din kita ng sobra. Lagi may nag sasabi sakin na lagi ka daw umiiyak sa school at nakatulala. Laging tinatanong sakin na mahal pa ba kita at lagi kong sagot “Oo. Sobra.” Kung bibigyan daw ako ng chance na babalik sayo babalik ba ako? Lagi ko din sagot is “Hindi na. Kahit gusto ko hindi na ako babalik” Masyado na marami atraso ko sayo at hinding hindi na kita deserve.

    Masakit na binitawan ko yung taong pinakamamahal ko pero alam ko naman na para sa magandang future mo din to. Sira ulo tong minahal mo baka mahila lang kita pababa. Sorry.

    Basta tandaan mo bhey hindi ako nag stop dahil naka hanap na ako ng iba. Nag stop ako kasi mahal kita. PROUD NA PROUD AKO SAYO NA GRADUATE KA NA! At mahal na mahal parin kita hanggang ngayon.

    April 30, 2017
    3:55 PM

    Related Post

    Leave a Reply