• Miss you yin :(

    by  • March 28, 2016 • * Safe for Work *, Loneliness • 0 Comments

    Hi,Kamusta ka na?Alam mo ba miss na miss na kita. Hindi ko alam kung tama ba yung desisyong ginawa ko na pakawalan ka sa pangalawang pagkakataon kasi hanggang ngayon guilty pa din ako. Pwede pa ba tayo magkaroon ng 3rd chance? Alam ko naman na wala ng pag-asa. Aba naman ikaw kaya ang paasahin ko ng dalawang beses hindi ka pa ba matatauhan? Sorry ha sorry ng sobra. Takot na takot kasi ako sa mga pwedeng mangyari tulad na lang baka madisapppoint ko yung magulang ko dahil ang bunso nila,magkakalovelife na. Hindi ako handa sa mga comment ng kamag-anak namin. Hindi ako handa na mapalayas. Hindi ako handa na magkameron ng taong magcocomment sa buhay kong walang kwenta.

    Alam mo kung naging handa kaya ako at kung naging matapang lang ako,siguro tayo pa rin? Siguro 1 year na tayo ngayon πŸ™ Araw-araw ko sinisisi ang sarili dahil hawak ko na naging bato pa at yung nagiisang lalaking nakaya akong ligawan sa kabila ng kaartehan ko,pinakawalan ko pa. Since grade 5 ikaw na yung crush ko, Hanggang ngayong 1st year college ako,ikaw pa rin ang gusto ko. ang tanga ko,pinakawalan pa kita πŸ™

    Miss na miss na kita. Gusto kitang makita,makausap at mayakap.
    Mahal na mahal pa rin kita.

    Related Post

    Leave a Reply